B for bitter.
Wednesday, February 11th, 2009Gusto ko mag tagalog ngayon. =))
Uy, hindi kaya ako bitter sa nangyari sa amin nung matandang ‘yon! Ayos nga e. Matanda na talaga siya kaya bahala na siya sa buhay niya. Alam niya ang ginagawa niya. At kung ano man ang choice niya, sakanya na yon. Hindi ko lang makaya yung fact na nagpaloko ako sakanya. Nakakatawa na naman ‘tong experience na ‘to.
Ito, share ko sa inyo yung nareceive ko na message kanina galing kay Tin Ramos, blockmate ko:
“Bakit kaya hanggang 28 ang February? Sana hanggang 13 na lang!”
Ayan ang tunay na bitter. Haha! Super enjoy magbasa ng bitter quotes ng mga single kapag malapit nang mag Valentines! =)) Sige, gagamitin ko rin yan pero hindi ako bitter ha! Nakakatawa kasi. Patawa talaga yung mga ganyan.
Ito naman galing kay Visyel (nakalimutan ko kung anong exact pero ganito yung concept),
“27 days na lang ang February ngayon. Wala kasing 14 sa kalendaryo ko ang 14.”
HAHAHAHAHAHA. Ang saya tumawa.
At may isa pa akong isshare sainyo. Nabasa ko ito kagabi sa Book of Hope. Nakuha ko yung magazine sa school, salamat talaga sa nagpauso nito at ibigay nang libre! =)) Countdown ito! HAHA!
10 Ways To Know If It’s Love.
10. Does not say, “Me First!” – Diba, hindi mo naman dapat talaga i-expect na first priority ka? Hindi ikaw ang buhay ng boyfriend/girlfriend mo. May sarili siyang buhay. Pakialamanan mo yung sayo!
9. Believes the best about others – Walang doubt kung anong kayang gawin ng partner mo or nung sino man.
8. Does not “keep score” of the bad things that others do – Wag magbilangan ng kasalanan… kapag naforgive na, tama na yon. Wag nang ungkatin pa ng paulit ulit para may masumbat.
7. Does not tear down others – Masama yung nang do-down ng kapwa noh!
6. Is not conceited – Hindi ikaw yung pinaka magaling, kaya wag ka nang mag magaling.
5. Is patient with others, even when they are annoying – Syempre, kaya mong magtiis dapat kahit nakakainis diba.
4. Is not happy when someone gets hurt – Oh hoookay, kapag natutuwa ka kapag may nasasaktan, sadism na yan =))
3. Helps out others, even if it’s inconvenient – Naiisip ko dito yung kahit walang wala na kayo, ikaw.. tutulong ka pa rin talaga. kasi nga mahal mo, hindi mo kakayaning mahirapan yung mga mahal mo.. kahit ikaw pa yung mahirapan. Diba?
)
2. Celebrates the success of others – Dapat talaga, maging masaya ka kung anong meron ang mga mahal mo sa buhay ngayon.
1. Never quits – Ang nice noh, sa kahit na anong mangari, hindi pa rin susuko.
Yun pala ang true love! =)) ngayon, alam ko na! Hm, share kayo ng reflections niyo each if you want. Syempre, kanya kanyang opinyon diba?