Alam ko kung nasaan yung libro na binili para sa akin ni Mama. Nasa ilalim ng kama. Teka, kukunin ko. Nakalimutan ko yung title e.
The Job-Hunter’s Survival Guide: How to Find Hope and Rewarding Work, Even When “There Are No Jobs”. ‘Yan! ‘Yan yung title nung libro. Siguro a month ago nang nasa ilalim ng kama yan, isang buwan na rin noong binili ni mama ‘to para sa akin sa National Bookstore. Sale, eh. P99 lang, may guide na ako. Pero hindi ko pa nababasa. Bakit? Hindi pa ako nawawalan ng pagasa – a month ago.
Kailangan ko na basahin. ASAP.
Gusto ko na magka-trabaho. Hindi dahil:
- Tumataba na ako sa kakatambay dito sa bahay
- Gusto ko na kumita ng pera
- Nilalamon na ako ng inggit sa mga ka-batch ko na may tabaho
Pero dahil, wala lang. Bakit nga ba? Pakiramdam ko kasi, kailangan ko na eh. Ika nga ng concert tour concept ng Incubus, “If Not Now, When?”
Swak na swak. Speaking of, nanuod ako nung Thursday. Pero kamustahin niyo naman ang Upper Box B ticket ko. Pero masaya na rin ako, libre eh. At nakabili ako ng Eyemax (cheap binoculars) so nakita ko si Brandon Boyd (hoorahhhhhhh).
I love you, Boyd. I do.
Sana may correlation ang luck sa panood ng concert ng Incubus sa paghahanap at pag landing sa magandang trabaho. Sana pwede i-page yung mga ahensiya ng gobyerno (na pinasahan ko ng papeles ko) para pansinin nila yung application ko. Sana hindi nila itapon. Opo, fresh grad ako – sa none none none none required po ako naga-apply.
Beep. Swerte, where na you? Dito na me.
*none none none none (term ko para sa none requirement for work experience and seminars/trainings)