Banchetto 11-11-11

When I read about the wishing lantern event of Banchetto through Facebook, sinabihan ko na agad friends ko para magkita kita na rin kami. Walang nag confirm agad so wala kaming nabiling lanterns. Mabilis kumalat yung announcement through Facebook, e. But we still decided to witness the event itself plus to eat as well.

Nagdala ako ng comfy clothes na ipapamalit sa work clothes ko kasi na-anticipate kong maraming tao talaga lalo na may event pa. Pina-ship ko pa nga thru LBC yung work related things ko para hindi hassle sa akin pati na sa mga tao along the food area.

Nakipagkita ako with J and friends, Tin and Aubrey sa Megamall around 7pm. We also happened to saw one of our college classmaate, Geranie too! She was waiting for her brother so they can go home together. We were also informed that the lantern activity wont push through because of safety reasons. Okay then. Good thing I was with my food buddies so carry lang naman na walang lanterns; wala rin naman kaming lanterns na napa-reserve e. Pigout kung pigout lang. Also, nagcra-crave ako at si J ng kebab. 😉

Pag labas namin ng mall, umaabon. We walked our way to different taxi terminals but to no avail. Ang haba na ng pila, wala pang dumadaan na taxi. Naglakad pa kami hanggang Shang kasi I thought since puro rich naman pumupunta doon, malamang hindi na nila kailangan ng taxi. But no, there were other people in line and most of them mga teens probably headed to Megatent, too. Luckily, when we were supposed to walk going to Teleperformance (meron kasing taxi lane sa tapat nila e), merong dumaan na taxi na baba na yung pasahero, still in Shang area.

Super traffic left to right. Ang dami na naming napagkwentuhan ng friends ko. Work related, lovelife, and whatnot. Ang dapat na P60 or less fare expense, naging P100! Gusto ko na ngang maglakad na lang kahit from Tektite na lang kaso kawawa naman si manong driver na maiipit sa taxi, diba?

Pag dating namin sa gate mga 9pm na, may mga parang security personnel na sinasabing wala nang magaganap na pagpapa-light ng lanterns. Keriboom. Tumuloy pa rin kami and other people.

Nagsimula na kaming maghanap ng food. Narinig namin na walang kebab for the night so nalungkot din si J. He was at Banchetto-Forum the other midnight and meron daw kebab. Hindi lang siya kumain kasi gusto niya sabay kami kumain kasi matagal na kaming nagcra-crave.

We got lucky buying drinks! Pila na pala yung pinipilahan namin. But got unlucky for the next tent na pinuntahan namin. Nakuha na ang order namin pero nahuli pa kami sa queue. What? Hindi na rin ako nagpaka-BV. Baked Mac na deceiving! HAHA and rice sticks from the only (ata) korean food tent that night!

We were lucky to secure 3 chairs. Pinadala ko kay J at nakahanap kami ng table na half e walang gumagamit kasi walang chairs. Though gilid siya ng trash bags. ):

There were hundreds of people who were disappointed. They weren’t not able to read the update Banchetto posted in their Facebook fanpage. They didn’t have an idea that the activity was cancelled.

If only Banchetto has anticipated the safety while planning and if they had meeting with the barangay officials and building owners before announcing the event, there wouldn’t be an activity.

Sayang naman kasi yung hassle na dinanas nila sa traffic at pagdadala ng dslr at pag pila ng magandang damit diba? Haha! Pero seriously, there were claims na galing pa sila sa nearby provinces para sa event na yon. Almost everyone who wanted to witness the activity saved the date. Sabi kasi nung nag jibber jabber sa microphone kahapon, natutuwa siya kasi nakikita na raw niya yung Emerald that night. So I assumed na kapag wala silang announced big time activity, hindi maraming tao unlike sa Emerald before. Marami nga naman talagang tao kagabi.

Sana hindi na lang din sila nagpa-park sa loob at ginamit na lang nila yon for the food tents. Ewan ko ba kung bakit trip na trip nila yung ganoong siksikan. Hindi naman same sa ibang food night market ha?

Some people chose to bitchfit and some chose to enjoy the night! I can’t blame them especially those who were deeply hurt and  disappointed, I would had chosen to bitchfit, too but 11-11-11 is such a beautiful day! I didn’t need to wish at all because I can make anything possible when I want to! I didn’t need to wish because praying is easier than wishing and hoping.