Transport

Noong pumasok ako sa PUP may ilang mababaw na goals akong nailista. Ang sumakay sa ferry boat (oo yung dumadaan sa maduming river) at sa PNR Train. Hindi pala ako nagiisa. Yung mga ka-close ko sa school, gusto rin nilang masubukan. So parang perfect friends sila sa mga ganitong mini adventure diba.

Alam ko nakasakay na ako sa isang malaking boat noong bata pa ako pero nakalimutan ko na yon. Nakasakay na rin ako sa ferry boat na papuntang Corregidor pero syempre iba pa rin yung dadaan sa maitim na tubig noh. So nasakatuparan namin ng mga friends ko ang pangarap na sumakay ng ferry boat noong February lang. Wala kasing klase noon at perfect day talaga. At halos sakto lang kami sa schedule ng boat. Saan kami patungo? Sa Intramuros! Wala nga lang kaming souvenir dahil kinukuha pala yung ticket at bawal din magpicture kasi daw pa-Malacañang yung way.

Nito lang thursday, dahil mga wala kaming assignment sa major namin, pinalabas kami. Medyo cool sa akin yon since badtrip ako that time. Hindi pa kami umuwi agad at napagusapan naming susubukan naman namin yung PNR Train.

Gusto ko talaga kasing sumakay doon dati pa. Noong luma at bulok pa yung train, marami akong naririnig na bad reviews katulad na may mga nangbubuhos ng tubig (minsan pa nga ihi daw). Syempre, yun nga yung adventure don e pero dahil hindi naman nilagay yon para mag adventure kami ng mga classmate ko, corny yon para sa ibang tao. Pero ano ba, bago na yung train ngayon! Airconditioned na raw. Sosyal na ever. Kalungkot lang na hindi ko nasubukan yung old school train. 🙁

So ayun na nga. May schedule pala ang pagdaan ng train. Akala ko parang MRT/LRT lang na parang every 5-10 mins, may dadaan. Sobrang nalungkot naman ako diba. Pero say what. Meron doong trolley na de-tulak talaa. Nung pagkahinto nung isang manong sa tapat namin (inaalok kaming maground trip) sabi namin pasubok naman magtulak. Hinayan niya kami for awhile tapos pinasakay na niya kami at weeeeeeeeeeeeee. Joyride! Hahaha! Ang bilis talaga at take note, paa lang ginagamit ni manong. Para ngang ice skater e. Astig. Saludo ako kay manong talaga! Akalain niyong limang piso bawat tao lang naman ang isang sakay tapos ang hirap ng ginagawa niya nakabilad pa siya sa araw.

Push that trolley! :)

Nakakapagod yung roundtrip na ginawa namin kasi sigaw kami ng sigaw kapag may parang lubak. Naubos talaga yung energy ko. Pero I’m telling you, super fun talaga! Gusto mo rin bang masubukan? 🙂