Transport

Noong pumasok ako sa PUP may ilang mababaw na goals akong nailista. Ang sumakay sa ferry boat (oo yung dumadaan sa maduming river) at sa PNR Train. Hindi pala ako nagiisa. Yung mga ka-close ko sa school, gusto rin nilang masubukan. So parang perfect friends sila sa mga ganitong mini adventure diba.

Alam ko nakasakay na ako sa isang malaking boat noong bata pa ako pero nakalimutan ko na yon. Nakasakay na rin ako sa ferry boat na papuntang Corregidor pero syempre iba pa rin yung dadaan sa maitim na tubig noh. So nasakatuparan namin ng mga friends ko ang pangarap na sumakay ng ferry boat noong February lang. Wala kasing klase noon at perfect day talaga. At halos sakto lang kami sa schedule ng boat. Saan kami patungo? Sa Intramuros! Wala nga lang kaming souvenir dahil kinukuha pala yung ticket at bawal din magpicture kasi daw pa-Malacañang yung way.

Nito lang thursday, dahil mga wala kaming assignment sa major namin, pinalabas kami. Medyo cool sa akin yon since badtrip ako that time. Hindi pa kami umuwi agad at napagusapan naming susubukan naman namin yung PNR Train.

Gusto ko talaga kasing sumakay doon dati pa. Noong luma at bulok pa yung train, marami akong naririnig na bad reviews katulad na may mga nangbubuhos ng tubig (minsan pa nga ihi daw). Syempre, yun nga yung adventure don e pero dahil hindi naman nilagay yon para mag adventure kami ng mga classmate ko, corny yon para sa ibang tao. Pero ano ba, bago na yung train ngayon! Airconditioned na raw. Sosyal na ever. Kalungkot lang na hindi ko nasubukan yung old school train. 🙁

So ayun na nga. May schedule pala ang pagdaan ng train. Akala ko parang MRT/LRT lang na parang every 5-10 mins, may dadaan. Sobrang nalungkot naman ako diba. Pero say what. Meron doong trolley na de-tulak talaa. Nung pagkahinto nung isang manong sa tapat namin (inaalok kaming maground trip) sabi namin pasubok naman magtulak. Hinayan niya kami for awhile tapos pinasakay na niya kami at weeeeeeeeeeeeee. Joyride! Hahaha! Ang bilis talaga at take note, paa lang ginagamit ni manong. Para ngang ice skater e. Astig. Saludo ako kay manong talaga! Akalain niyong limang piso bawat tao lang naman ang isang sakay tapos ang hirap ng ginagawa niya nakabilad pa siya sa araw.

Push that trolley! :)

Nakakapagod yung roundtrip na ginawa namin kasi sigaw kami ng sigaw kapag may parang lubak. Naubos talaga yung energy ko. Pero I’m telling you, super fun talaga! Gusto mo rin bang masubukan? 🙂

8 comments

    Ang kulit ng mga adventures mo! Heehee! Gusto ko rin ma-try yung sa trolley! waaah!! Parang ang saya!

    Ariane | 9 years ago Reply

    Uy astig! Yung nasa picture natry ko na din sumakay sa ganyan mga 4 years ago ata? Sobrang enjoy hahahaha! Gusto ko nga matry ulit e kaso wala naman chance hehe.

    Gel | 9 years ago Reply

    i never tried those before. haha. lalo na ung ferryboat sa pasig. parang ansaya hahaha. :) ung PNR wait ko na lang pag pwede na siya bumyahe hanggang bicol :P

    yeye | 9 years ago Reply

    Haha i would love to try riding such :P

    Happii | 9 years ago Reply

    wow! lakas ng trip nyo sis ah, mukhang nagenjoy talaga kayo.. never pa ako nakasakay ng trolley, parang nakakatakot di ba kasi dinadaanan ng train yan?

    krisel | 9 years ago Reply

    that's nice, you have friends na ka-click mo talaga all the time, na kahit anong trip is go rin sila.. haha Di pa ako nakakasay ng boat sa buong buhay ko.. except dun sa mga beach na illibot ka sa beach nila.. pero yung matagal.. na-ah.. never pa..

    Honeul | 9 years ago Reply

    haha, looks like you guys had so much fun. would love to try those things. lols! I hope you can visit my blog of sahmo / rosamuth / life in palawan / istar blog / chikka blog / express liife / baby blog and pink precious

    rosa | 9 years ago Reply

    mukhang ng enjoy kau sa joy ride ninyo ah. :)

    burn | 9 years ago Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *